Travel Diaries

Theme Park Series: Tokyo Disneysea

Hi gaiiizz. Since wala naman talaga nakakapansin ng blog ko, so deadma na sa english. Tayo tayo lang naman eh noh? So keri lang.

This Tokyo Disneysea entry is actually throwback na lang kasi na blog ko na to before nung jirap pako wala pako pambayad ng sarili kong domain, and since babalik din kami sa Disneysea on October for Halloween this year.

Yaazzz. I knerr. Yamanin yung Undas sa Disney. Ay Halloween pala.

We went to Disneysea on a February so medyo maginaw, pero mas bet naman yun kesa hulachi di ba?

PicsArt_07-19-10.16.09For tickets, I suggest you go to Klook for a check, minsan mas mura sa kanila than the Disney website itself. These days ticket would cost around JPY 7400 or PHP 3500, sa Klook pwede PHP 3400 minsan.

 

By local train, we went to Tokyo Station and took the Keiyo Line until we got to the Disney Train.

unset1.png
You’ll be greeted by a huge Aquasphere (globe) at the entrance of the park. Remind yourself na wala kayo sa MOA because that was what I was thinking! Lol!

PicsArt_07-19-10.18.41Hack: Make sure to look for the Fast Pass Ticketing Machine to schedule your rides. Some rides take hours of waiting! Fast Pass is free, so just scan your Disney Passport Access and minimize waiting time.

The park is water-themed and upon entering, you’ll see a big globe on a water fountain. So water plus globe eh very MOA talaga ang appeal niya sa kin nung una! It has 7 ports, kumbaga 7 different themes, but all are nautical by inspiration. The port behind the Aquasphere is the Mediterranean Harbor.

[UNSET]
To get on the Disney vibe, Mike and I bought “costumes” first. We got it at the shop at the entrance of Mediterranean Harbor. Wizard Mickey Ears for me, and Sully Hat for Mike.
unset2.png
Probably around 15 Levels of Darkness awaits at the Hightower Hotel.

After freezing in winter cold for an hour of queuing outside of the Hightower Hotel, we finally got in! Kakaexcite di ba? So ayun, pagpasok namin pila daw ulit, one hour ulit kasi sa dami ng tao. Saya. Tapos may makikita kang mga naka fast pass, direcho lang sila sa ride. Saya!

PicsArt_07-22-09.27.35So the story is the hotel management allows “tours” after the hotel was closed due to the curse of Mr Hightower. May explanation bago mag ride pero Japanese siya so nganga. Anyway, mage gets naman kasi animated naman yung kwento. We entered the elevator ride, I took the middle seat at the last row at the right side. Door closes, lights shut, then you ascend in total pitch black. Pagbukas ng door ng elevator, ghost ni Mr Hightower, naghahapon! So okay, di kita maintindihan, nganga ulit. Tapos bigla na lang ginawa na kaming yoyo! Kayo na mag imagine, bawat bukas ng elevator door nagmumura ako.

unset3.png
So siyempre bilang napagtagumpayan ko ang hotel na to, lahat ng hotel kaya ko na! Nux.

After the Tower, we walked by the rest of the American Waterfront. It looks like the ports in California. At the bottom  of SS Columbia, may mga performances na you can watch. Its in Japanese, so again nganga. Kumain at nagpicture na lang kami kasi madaming shops at stores around the port. This is where I also found out na bawal ang selfie stick sa Disney.

[UNSET]
The American Waterfront port features a big ship called Titanic. Choz! SS Columbia daw ang tawag jan.

Next port is the Port of Discovery. Its a futuristic, science-y port na madaming tao. So nilagpasan na namin. Wala din ako picture nung port na yun, di ko matandaan bakit.

So next port talaga na napuntahan namin is the Lost River Delta. Eto promise maganda! The way pa lang papunta dun, its like you’re in another world! There’s a river, where you’ll see boat and even a ship wreckage. May pagka amazon jungle ang dating kasi to get at one point you have to pass by a hanging bridge, tapos super shady because the trees practically cover most of the pavement.

unset5.png
The Lost River Delta-O di ba? May river! May time sila mag abala pang gumawa ng river at may eroplano pa.

PicsArt_07-22-09.27.35One of the main attractions in Lost River Delta is the Indiana Jones ride. Again if you don’t have the Fast Pass, it will take 2 hours siguro to wait. We didn’t get an FP for this so we skipped. Pero sabi sa internet its a dark ride but its super maganda.

[UNSET]
Very prominent sa Lost River Delta yung Ancient Aztec Pyramid nila dito. May background music pa na mystical so iba din ang feels sa port na ‘to.

unset7.png

So lakad lakad ulit kami, andaming river, daming mga kung ano ano pakulo ng Disney para mafeel mo na “walang ganto sa inyo noh?!”.

Until we saw a sign na meet and greet si Donald Duck. So siyempre pila kami feeling namin wala naman pupunta dun. But no no no…pila pa din kami mga 30 minutes! Pero nakaka aliw naman kasi pumila because you’ll see more details of the themed ports. Like makikita mo may mga bangka sa ilalim ng tulay tapos may laman na barter goods or mga piñata na Disney characters.

unset8.png
May bayad magpakuha sa bibe kapag camera nila ang gamit pero pag phone mo, libre lang. So nagpakuha na lang kami sa isang bibe na Amerikano, pero nagcocostume ng Latino at  nakatira sa Japan.

Okay next na! After sa River, punta naman tayo sa desert at saan pa ba may desert sa Disney kundi sa Agrabah! Iba na naman ito for me as I’ve never been anywhere in the Middle East. Ang saya naman dito kasi pagpasok mo pa lang maririnig mo na mga soundtrack ng Aladdin like Arabian Nights and A Whole New World. May mga rides dito na indoor boat ride na parang “Its a small world” sa Disney Hong Kong at yung Magic Lamp Theater. Pero bilang hapon naman ang mga salita, skip na lang.

unset9.png
The Blue Mosque at the center of Arabian Coast is definitely picture perfect.

I can only imagine that the old middle eastern countries we’re designed like the same ng mga nakita namin sa Arabian Coast. Since medyo hapon na din nun. We decided to check the eatery called Kasbah. Sarap ng amoy, may Indian, Middle Eastern at Japanese Curry na ino offer sa Kasbah. Mura lang din dun.

[UNSET]
My early dinner. Kulang na lang si Genie, nasa Aladdin nako.

Yung isa pang super nice na napuntahan namin is yung port of Mermaid Lagoon! This houses the characters of my favorite Disney movie of all time, The Little Mermaid. Eto ibang level na excitement ko dito! Nagswi-swirl na paa ko sa pagka giddy dahil upon entering this port, you’ll hear “Part of your World”. Part of Your World!!! Kumbaga sa singing contest grand finals na!

[UNSET]
And upon looking at the facade of the lagoon, mesmerized talaga ako. The colors, the shapes, siguro kung may Atlantica, ganto talaga ang itsura nun! Sobrang royal ng dating, and that’s the inner mermaid in me talking.

The Lagoon is indoor, to resemble an underwater effect siguro. Pagpasok para kang nasa mga caves at tumutugtog yung Under the Sea, cause you know down here is better, sabi nga ng kanta. Mas pambata ang mga rides kasi may playground na malaking snails ganyan, mga kabibe at mga talangka. Pero masaya ang vibes. Parang tutubuan ka ng buntot.

unset12.png

The next port is where the other central structure of Disneysea is. The Mysterious Island. Andito yung Mt Vesuvius, at wag matakot pag nakitang sumasabog ang bulkan, okay lang po ang lahat. Here you’ll find the 20,000 Leagues Under the Sea ride at Journey to the Center of the Earth. We took the 20,000 Leagues ride using the Fast Pass. What you’ll do is you go in a submarine, then they’ll throw you in the water full of giant octopuses, creepy merfolk, best of all, Japanese siya. Oo, nganga ulit. Nakakatakot kasi sobrang dilim tapos biglang liliwanag may octopus sa mukha mo. So yun.

[UNSET]
Mt Vesuvius in Disneysea
[UNSET]
Eto yung kanina ko pa sinasabi na Fast Pass. Kuha kayo niyan pag punta kayo sa Disneyland or Disneysea

So dun na nagtatapos ang mahabang blog na ito. Masaya sa Disneysea, kulang ang isang araw. Mga 8 days pwede na. Joke lang. Basta kailangan mo Fast Pass, at rubber shoes dahil ang laki niya. Yun lang, kthanksbye!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s