Travel Diaries

Theme Park Series: Laguna’s Enchanted Kingdom

Hi Gaiiizzz, how are you? We are still at goearlph’s Theme Park Series and after two theme parks featured outside the country, balik local muna tayo at mahalin ang sariling atin!FB_IMG_1504857889309

At syempre, kung theme park lang din ang labanan eh meron at meron naman tayong ilalaban jan as the wonderful wizard, Eldar says, “The magic lives forever!” Yezz! Yan na ang bago nilang tag, hindi na yung naririnig natin nung field trip natin dati na “The magic is here!”.

Home-01-n0j2vii7h836wdpihye1synt6k5qlid4p6ukxdd3cc-n0wi8htzk8pxg1t8zmi8zyp3804tnbf5bexxpmcyek.x72759

Enchanted Kingdom has been the go-to theme park of Pinoys since 1995 and yes if you live within the central region of the Philippines, alam kong na EKsperience mo na din ang EK.

PicsArt_07-19-10.16.09Ticket: PHP 600 (Weekday) PHP 700 (Weekend) Rate varies when you include access to the latest simulation ride (Agila).

How to go there: EK is at San Lorenzo South, Santa Rosa Laguna. For private vehicle, the easiest route is thru SLEX then continue to Balibago. For public commute, just take any bus going to Balibago at Waltermart Mall in Sta Rosa, Laguna and you will find it there.

Park-Map.x72759

The Park. Meron siyang 7 themed zones na punong puno ng mga kiosks selling food and merchandise.

FB_IMG_1504857278204

Victoria Park. Upon entering EK, this might be the first thing you will see. Naalala ko pa nung bata ako may pictures kami here kasi nga instragrammable na siya kahit nung 90s pa lang. May Grand Carousel na Victorian era inspired, very theme park ang feels especially kung bata or kid at heart ka.

Anchors04.x72759
Photo Credits: enchantedkingdom.ph

Midway Boardwalk. One good thing about EK is hindi lang siya pambata, may mga rides na pangmatanda din so enjoy din ang barkada or ang family. Andito yung sikat na sikat na Anchor’s Away, wherein sasakay kayo ng boat at isu sway-sway ang boat until it is almost vertical. At alam na din natin na ang mga bida bida sa buhay ang uupo sa dulong row tapos itataas pa ang kamay. Fine, matapang kayo! (takot kasi ako jan!)

PicsArt_07-22-09.27.35

Other ride includes: Dodgem, EKstreme Tower, Roller Skater, Up Up and Away, Wheel of Fate and Bump and Slash

Jungle Outpost. Favorite ko sa Jungle Outpost kasi may mga water sa rides kaya medyo malamig, generally napakainit sa EK. Hindi ko alam kung ang Sta Rosa ba ay kasunod ng planet Mars.

JungleLogJam02-n0j2mlz84si74ck8a5eomo4g3hxrcuesv83f7bbq9k-n0wn0z7t1vfw336wlq44hecwwpvqryk4388wwtdmm0.x72759
Jungle Log Jam Ride

If bet mo yung may thrill ng you get to high places slowly and full of excitement kasi dahan dahan tapos ang saya saya, tapos bigla kang I le let down? Dito ka bagay. Ayan magsama kayo ng Jungle Log Jam na ride. Mababasa nga lang kayo kasi wet ride.

FB_IMG_1504857824043
Me and my nephew Karl at the Swan Lake

Andito din yung Swan Lake. O eh de eto, pila kami ng pamangkin ko sa Swan Lake kasi ginawa ko na yan nung bata ako, so feeling ko relaxing and all that. Pagsakay ko at nag pe pedal nako, ayun na stuck kami sa gilid hindi sumusunod yung higanteng swan! Katirikan ng araw at nakapolo pako, hulas na hulas tuloy ako!

FB_IMG_1504857413596
Space Shuttle Ride

Spaceport. Futuristic achuchu ang drama dito. Pero ang dadayuhin ng mga tao here is Space Shuttle. Hindi ko pa po nasasakyan ang Space Shuttle, at wala pa rin po akong balak. Marami na po akong stress sa buhay, okay naman na po ako.

PicsArt_07-22-09.27.35

Other Rides: Fun Kart, The Navigator, Laser Mission, Alienation

FB_IMG_1504857416602
Mike at Brooklyn Place

Brooklyn Place. Dito madaming models. Ako din nagmodelling din ako dito. Panalo kasi ang set, old America ganyan,  kaya madalas ding venue ng shooting. Dito ang Rialto, okay aaminin ko na. Never pako nag Rialto.

Yes. I’m sorry.

Haba kasi lagi ng pila. Pero pinakamemorable Rialto for me is when I joined Outbreak Manila sometime ago at pinuno nila ng zombie actors ang buong Brooklyn Place that night tapos may loud speakers na ang tunog ay mga zombie groans tapos may smoke smoke sa floor.

FB_IMG_1504857622590
Our picture from the Rio Grande Rapids ride.

Portabello. Dito naman yung mga sikat din na rides gaya ng Flying Fiesta where uupo ka lang at halos ilipad ka na lang paikot, at andito din yung Rio Grande Rapids.

As of writing they actually have additional attractions like  Ghostbusters Live which is a walk-through adventure simulated at the NYC Ghostbusters headquarters. The other one is gaining more popularity each day because it highlights the Philippine Islands and it’s beautiful attractions. Pareho ko pang hindi na ta try so hindi na lang ako magmamaru. Hehe.

That’s about it, anytime you feel like going for a theme park kind of day, balik tayo sa Enchanted Kingdom kasi fun pa rin naman siya and the magic lives forever!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s